*** PARA SA KANYA***
Hindi ikaw ang taong pinangarap kong magkaroon ng malaking bahagi ng buhay ko ngunit ikaw ang dumating; at salamat dahil binuo mo ang isang bahagi ng aking pagkatao, saýo ko naramdaman kung paano ang magmahal at mahalin, magkaroon ng kulay ang buhay at maging masaya kahit na sabihing panadalian lamang pala ito. Sa sandaling panahong ginugol kong kasama ka, natutunan ko kung paano humabi ng mga pangarap…na ang akala koý kasama kita sa paglalakbay para maabot ang mga pangarap na ýon… na hindi importante kung gaano man katagal ang paglalakbay, na mas mahalaga ang mga oras na magkasama tayo; ngunit nagkamali pala ako, hindi ko napunang sa gitna ng ating paglalakbay naiwala na pala natin ang isa’t isa… na hindi ko na masundan ang daang nilalakbay mo sa hindi ko malamang kadahilanan.
Unti-unti na kong nakaahon sa lublubang kinasadlakan ko, unti-unting binubuo ang pagkataong nagkalamat dahil sa pagkawala mo. Ngunit ikaw ay tila isang multong bumabalik na para bang may hindi pa natatapos na mga bagay-bagay; kahit sandali nakuha kong muling ngumiti at umasang madudugtungan pa natin ang kahapon, na ang nakaraan ay isa lamang pagsubok sa tatag ng pundasyon ng ating samahan; hindi ko na namalayang unti-unti na naman akong nahuhulog sa patibong na nilaan mo at eto ako ngayon lugmok sa sakit ng muli mong pagkawala.
Hanggang saan ko iindahin ang sakit? hanggang kelan ako mabubuhay sa pait at poot ng kahapon? Sana hindi mo na ko gambalain para matutunan ko naming muling pahalagahan ang sarili ko ng higit sa pagpapahalagang binigay ko saýo…
April 28th, 2007 at 6:13 am
di ko man lubusang batid ang iyong malalim na pinagdaanan, ang natatanging kadahilanan upang ika’y manimdim sa pagpapahayag ng iyong damdamin…ako’y nagagalak na datapwa’t ika’y dinaluyong ng matinding unos…iyo lamang pinatunayan na hindi ka lamang dapat hangaan sa taglay mong kariktan..pati na rin sa busilak mong pusong handang umibig at magbigay puwang sa tapat na pag-ibig…
hanep! hirap non ah! wazzzzuuup?!!!